Saturday, September 11, 2010

The process of forgiveness

Forgive means to remit the penalty of or to pardon according to thesaurus.

Its hard to forgive lalo na kung sobra kang nasaktan at paulit-ulit.
Gaya ko, nasaktan ako ng dad ko, pauli-ulit, yung tipong wala ng kapatawarang sakit.
Iniwan kami ni papa.
Pinili niya ang ibang tao kesa sa aming tunay niyang pamilya.
Pinanganak akong wala siya. Lumaki akong wala siya.
Dumating yung time na dahil sa bata pa ko, naniniwala ako sa kahit anong sabihin ng mga nakakatanda. at  dahil naiwan kami ng kuya ko sa lola ko sa side ni papa nabrabrain wash ako, kung ano-ano sinasabi nila against my mom at dahil bata, naniwala ako agad. Namuo rin ang galit ko kay mama.
Naalala ko nun, puro puot, selos at galit ang nasa puso ko.
There’s this time that i decided to run away home, away from my mom and so umuwi ako kay papa. Paguwi ko dun, akala ko magiging ok na ang lahat pero hindi pala. Lalo lang ako nasaktan sa mga nakita at naramdaman ko. Umuwi ako dun na nagaasam ng pagmamahal ng isang ama ngunit iba ang naparamdam niya sa akin.
Paguwi ko dun, andun na rin yung isang anak niya sa ibang babae. hindi talaga to mabura sa isip ko kahit ngayong malaki na ko. Kahit na andun ako parang wala rin ako kasi lagi na lang yung kapatid kong yun ang napapansin. Isang beses umuwi si papa ng lunch sa bahay, tapos ako paguwi niya tuwang-tuwa ako kasi gusto ko siya magpakain sa akin pero paguwi pa lang niya yung kapatid ko ng yun ang pinansin na niya agad. Andun ako, ang anak niyang nawalay ng pagkatagal-tagal sa kanya pero hindi niya ko napansin. Masakit pa nun nakita ko kung paano siya magmalasakit sa kapatid kong yun; Sinubuan niya at nilaro pa niya habang ako nagaantay na alagaan, laruin at subuan din.
Doon pa lang naramdaman ko ng walang pagmamahal si papa sa akin, doon pa lang ang dami ng tanong na bumalot sa isip ko.

After ilang months of staying there i decided to go to my mom, umuwi ako kay mama at doon nagsimulang luminaw ang kaisipan ko, nagsimulang matama ang mga maling nabalot sa isip ko tungkol kay mama, at doon nalaman ko ang totoo.
Nawala ang galit ko kay mama pero kay papa, lumala ng lumala, lumaki ng lumaki.
4 years ago namatay ang lolo ko kay papa, umuwi kami sa malabon at doon lalong lumaki ang galit ko kaya papa.

It’s my lolo’s wake and ako tumutulong sa mga pinsan ko in serving foods sa mga bisita then hindi ko alam na yung binibigyan ko pala ng pagkain eh friends ni papa and ng kinakasama niya.
Tandang tanda ko pa yung scene na yun, nagbibigay ako ng foods tapos sabi nung isa sa akin “ang ganda naman ng smile mo”, ngiti lang ako tapos sabi nung isa “uy! wag niyong ganyanin yan, baka PAMANGKIN yan ni sir hit-man”. Alam ko na si sir hit-man si papa kaya ang sagot ko “Hindi po. Anak niya po ako.” Nagulat sila sa sagot ko at di makapaniwala dahil pala isa lang ang kilalang anak ni papa at yun yung anak nila nung babaeng yun. Bumalik na ko sa loob ng simbahan at pagbalik ko biglang dumating si papa. Nagmano ako pag mano ko sinabihan ako ni papa na “Wag ka ngang pakalat-kalat’”.
Umiyak ako, ang sakit. Sarili kong tatay ikinahiya ako at di manlang ako maipagmalaki bilang anak niya.
At dahil sa nangyari lalo pang namuo ang galit ko kay papa. Tuwing naalala ko pa ang kwento ni mama na kahit nung nasa womb pa lang niya ako binubugbog na siya ni papa, hindi pa nga ako buhay parang pinapatay na ako.

After 1 year, lolo ko naman kay mama ang namatay.
Nasa taas ako nun ng floresco (kung san nakaburol si lolo) ng biglang tinawag ako nila kuya para bumaba. Tinatanong ko sila kung anong meron, ayaw naman nila ko sagutin. Pagbaba ko, ang nakita ko agad si papa. pag kita ko sakanya di ko napigilan ang galit ko kaya imbis na lumapit ako sakanya, tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa at umakyat agad.
Galit talaga ang namuo sa puso ko. Hindi ko maintindihan kasi maintindihan kung bakit ganun siya sa akin. sobra niya kong nasaktan at ni minsan hindi ko naramdaman na nag-reach out siya sa akin at magsorry at ni minsan di ko naramdaman na tatay ko siya.

August namatay si lolo.
March, gumagawa ako ng thesis dahil graduating na ng naririnig ko si mama na may kausap sa phone, natataranta at ewan. Bigla na lang ako tinawag at sinabing “Wala na papa mo”.
Nagulat ako. Hindi makapaniwala. Parang ang bilis.
Ang hirap nun. Hindi ko alam kung ano ba dapat ko maramdaman. Nagsisi ako ako sa ginawa ko sakanya the last time i saw him. Pero inspight of my pagsisi, hindi ko pa din magawang mapatawad siya.
Umuwi kami ulit sa malabon para sa wake niya. akala ko pag-uwi dun everything will be ok. Im ready to forgive him. Im ready to say “PAPA” again. but then pag-uwi dun hindi pa din.
Hindi kami makalapit sa remains ni papa dahil andun yung kinakasama niya at ayaw kami palapitin. My mom and i needed to act as if we dont know each other para di masyadong makahalata yung girl, and my 2 kuyas naman naiwan sa bahay nila lola, naghihintay ng tawag namin na pwede na rin sila pumunta. Praise God na lang dahil during those times God is with my mom. My mom just kept quiet eventhough we are the legal family, eventhough dapat kami ang nasa position nila.
I can’t cry. yung iyak ng isang anak na nagsisi sa mga nagawa niya, yung iyak ng isang anak na nawalan ng ama, hindi ko nagawa yun.
Ilang oras na kaming andun at wala pa ding nangyayari. So I aksed my mom, “Ma, until now ba kinakahiya pa din ako ni papa?” then i just cried. after hearing that, my mom just decided to call my kuyas and tell them na uuwi na lang kami. but my tita (papa’s sister) said no. Nagpa-private viewing na lang sila for us, para kahit sa huling pagkakataon makita manlang namin ang ama namin. Pagkita ko sa kanya, hindi ako makalapit. Galit pa din ang nasa puso ko. Pakiramdam ko kasi hanggang sa huli, ikinakahiya pa din niya ko at hanggang sa huli hindi ko pa din naramdaman ang pagmamahal niya.


If you were on my shoe at sa iyo nangyari yan mapapatawad mo pa kaya siya?
Ilang years ng patay si Papa at alam kong galit pa din ang nasa puso ko. Mahirap mabuhay ng may galit sa puso, mabigat at alam ko na hindi ito tama so i asked God to help me forgive papa.
I don’t know how. I don’t know when. but just God talked to me in this verse; 
“And be kind to one another, tenderhearted, forgiving each other, just as God also in Christ forgave you.” Ephesians 4:32
then i realized sino nga ba naman ako para hindi magpatawad, kung siya nga na Diyos ay marunong magpatawad.

I learned to let go of that hatred, of that bitterness. Mahirap at matagal na proseso pero still, God helped me to really let go and live a life without any burdens, without any bitterness from the past.
God is Mighty enough to take all the pains that I experienced in the past and to heal my broken heart. During those times that im longing for love, God is there; He loved me, He showed me the love na pinagkait ni papa sa akin. He even blessed us with Papa Ric. Hindi man kami nanggaling sa kanya, minahal pa rin niya kami ng higit pa sa totoo naming ama.

“Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest.”

No comments:

Post a Comment